Friday, March 18, 2005

pagsakay ng LRT

light rail transit. mas kilala ito sa tawag na LRT.

mas madalas kaysa hindi, sumasakay ako ng LRT. dito ako sumasakay papasok sa opisina, papunta sa mall, o kahit makikipag-kita sa kaibigan. siguro maraming mahihirapan kung walang LRT. dahil sa pagsakay ko dito marami ako kwento at maikukwento...

iba't ibang klase ng tao ang sumasakay dito. maraming estudyante, meron ding mga papasok sa opisina na naka-corporate attire and all. kung miyerkules tiyak masikip sa tren, marami kasing nagsimsimba sa Baclaran. kung buntis naman o may dalang bata, sa unang pinto naman sasakay.

may mga kwento rin ako na nakakainis. nariyan ang mga taong nakaharang sa pinto. binabantayan ang pinto akala yata nila aalis ito. may mga tao namang nakayap o nakasandal sa hand rail hindi ka tuloy makahawak.

kung nakakatawang kwento naman, meron din. yung guard na nagsasabing, "hindi po magpapasakay ang tren na yan. scape train po yan." ha? ano daw? scape train? a alam ko na! skip train pala! haha!

marami pang mga nakakatuwa at mas marami ring nakakainis na kwento sa pagsakay sa LRT. kung gusto mong malaman kung anu ano pa ang mga ito, ano pa ang hinihintay mo? sakay na sa LRT!

1 comment:

Cri-c and Jun said...

hehhe.. promote ba ang LRT? thanks ha... next tym get the name of the guard na mali ang pronunciation sa words at itutuwid ko ang dila okay?