clue # 1
bored ka na sa kaka stapler ng mga sulat. naisip mong gumawa ng manipesto. pag nag dial ka ng 7413 sa telepono, sino sasagot sa yo? puntahan mo para malaman mo ang ssusunod mong clue.
shucks! hindi ko ata kilala yung taong may local na 7413. think beej, think! i grabbed a telephone unit with a caller id and dialed the local... ah! si Donna pala.
clue # 2
bukas bente kwatro oras, umulan man o umaraw. sari saring tinda meron sila, para sa sakit ng tyan o ulo pa. pangalan ng isang babae and tindahan nila. bilisan mo na at naghihintay na sila. hanapin mo si leah.
dang! gamot? ah sa HR dept, may gamot din sila dun. nyak! hindi pala hindi 24 hrs yun. pangalan ng babae... EMILINE's!!!!
clue # 3
anong petsa na? bilisan mo naman. puntahan mo na si Petiks Queen na presidente ng Petiks Association para mauha mo ang next clue.
petiks queen? no doubt, it's Irene! ha? from ground floor back to the 12th floor... nakakapagod to ha.. eto ang challenge ni Irene para sa akin
challenge
isayaw mo beybeh! sayawin habang kinakanta ang korus ng kantang ispageti song. pababa at pataas. tandaan, bawal ang KJ.
clue # 4
puntahan mo naman ang dating HR partner ng ASMIRA. may cellphone siya na kagaya ng kay MAF. nakasalamin, matangkad at itinuring mo ding malapit na kaibigan. sa 11th floor mo sya matatagpuan.
ha? si Mina! ano naman kaya pagagawa nito sa akin?
challenge
kanina sumayaw ka, ngayon naman kakanta ka. kantahin ang happy birthday song... in french.
paano yun? paksyet! hindi ko alam. nakalusot ako sa sayaw pero dito ata hindi. at ang strict pa ni Mina, hindi pwedeng may mali. paano yun? e mag-eenrol pa nga lang ako ng french e. i don't know how i pulled it through pero nakalusot din...
clue # 5
isuot ang party hat at puntahan ang next clue. mala 2GO ang kulay nila pero magenta and orange ang kanila. bago pa man magkaroon ng Gonuts donuts, andyan na sila. sa ground floor, dun mo makikita. hanapin si william.
HA!!!!!! naka-party hat ako hanggang sa Dunkin Donuts???? wala namang ganyanan. pero wala akong nagawa kaya pinagtitinginan ako ng mga tao. ano naman kaya gagawin ko dito sa Dunkin?
challenge
gutom ka na siguro. gamitin ang pera, bumili ng 3 munchkin at kainin ito in 1 minute. Go!
kain lang pala e. munchkins lang pala e. syempre pinili ko yung madaling kainin at favorite ko - strawberry filled. sakto! i'm done in 1 minute.
clue # 6
tatay ni pinky. hari ng FSL. sa 12th floor dun sya naghihintay sa kanyang trono.
ano? pupunta ako kay Vincent ng ganito? naka-party hat and all? at ano naman kaya papagawa nitong kahihiyan sa akin?
challenge
mag mala Francisco Balagatas ka. magpasikat ka sa balagtasan. bigkasin mula titulo hanggang dulo.
e di syempre tumula naman ako. i don't know kung magaling ako tumula or Vince just wants me out of his sight kaya natapos ako agad sa challenge.
clue # 7
go to the place where your family is waiting for you. dating nakatira sa 9th floor pero naglipat bahay na sila sa 8th floor. tirahan ito ng mga makukulit, masiyahin, magaganda at minsang may sayad na mga tao.
yes! i can never go wrong here. alam ko na kung sino naghihintay sa akin dun. tama ako! ang aking mga kapuso at kapamilya nga ang naghihintay sa akin doon. pero hindi pa pala tapos ang lahat. may isa pang challenge!
challenge
para sa huling challenge... i-butt spell mo ang BILLIE JEAN LEE.
at syempre, i had to. at pagkatapos nun, eto ang reward ko...
after travelling different floors, taking 7 challenges, you are officially the winner of this race. you may ask what is your price? we are. we may not look like or be worth a million dollars to you but we offer you the gift of friendship, the sense of belonging, the laughter and joy when you feel down, the strength to keep you going when life treats yo unkind and a place to let you dream. we wish you success, good health, happiness. we wish that doors of opportunity will open for you that your dreams will become reality. happy birthday billie!
3 comments:
ay shucks! tatsing! =)
oo nga e. napaluha nga ako e... =)
hindi lang napaluha... naiyak ka talaga di ba? hehe...
Post a Comment